Monday, March 1, 2010

malayang mangingibig

Unti unti na siyang kumakawala sa aking mga yakap
at ang aming mga kamay na dati'y kay higpit na magkahawak,
ngayo'y malapit nang tuluyang magbitaw.

Wala na ang tamis sa kanyang mga ngiti.
Bihira ko na rin marinig ang awit ng pag-ibig
na noo'y madalas niyang imutawi.

Hindi ko na maramdaman ang init.
Tuluyan na nga siyang lumalayo,
dahan-dahan nang naglalaho.

Hindi na niya ko maririnig pa
anuman lakas ng pagtawag ko sa kanya.
Kaya't hahayaan ko na lang siya.
Palalayain ko na.

Sapaka't ako'y nagmamahal,
handa na akong magpaubaya.
Sige na, malaya ka na.

Tahakin mo ang daang sa tingin mo
ay lubos kang liligaya.

No comments:

Post a Comment