Sunday, October 25, 2009

Nakakamiss

Nakakamiss.
Nakakamiss ang panahong andiyan ka pa.
Mga sandaling pareho pa tayong masaya.

Malaya.
Malayang magpahiwatig ng pagpapahalaga.
Walang pangingiming sabihin anumang nadarama.

Walang takot.Walang pangamba.Walang malisya.

Nakakamiss.
Nakakamiss talaga.
Sapagkat ngayon, may nabago na.

Ang ihip ng hangi'y tuluyang nag-iba.
Ang damdami'y dating malaya,
ngayo'y sukat na.

Maingat sa bawa't bitaw ng salita.
Pati na rin sa mga kilos na ipapakita.

Maraming nagbago.
Sa akin. Sa iyo.

Nakakamiss. Nakakahinayang.
Wala na 'yung dating tayo.