Saturday, April 23, 2011

Himig ng Mangingibig

Hindi ako karapat-dapat
sa kanya, Panginoon.
Hindi ko magawang isipin
siya'y ibibigay mo sakin.

Ngunit ang pangako mo,
ay hingin lang sa iyo,
anuman ang naisin,
ito'y iyong tutuparin.

Sapagka't ang ibig mo,
ay tanging kasiyahan ko,
mahirap man na tangapin,
Pag-ibig mo'y tapat sa akin.

Pabaon

Hindi kita iiwan.
Maghihintay ako sa'yo.
Gaano man katagal,
Ako'y maghihintay sa'yo.

Hahayaan kang tuklasin
ang nais ng puso mo.
Pababayaan kang tuklasin
ang kasiyahan ng puso mo.

Mahirap man sa akin
ang ipaubaya ka sa Kanya,
wala ring magagawa
kundi ang magtiwala---

na ang pag-ibig mo
at pag-ibig ko,
balang araw, magtatagpo